Devotions

Devotions #1: The Cure for Anxiety

At some point in our lives, naranasan natin yung mag-worry, ma-stress, or makadama ng anxiety. Yung nakita mo yung mga bills na babayaran, pang-tuition ng inyong mga anak, kung may pagkain pa ba na ipapakain sa pamilya, meron maysakit sa mga mahal mo sa buhay, nanganganib na mawalan ka ng trabaho or may issue sa buhay mo na sobrang worried ka na may pagkakataon na hindi ka pa makatulog. Ilan lamang ito sa mga pwede natin maranasan or naranasan na or maaaring kasalukuyang nararanasan natin na nakakapagbigay stress or alalahanin sa buhay natin ngayon. So, maaaring ang tanong mo ngayon ay “Ano ang aking gagawin kung nakakaramdam ako ng pag-aalala or pagkabalisa sa buhay?”  

filipos 4:6

Filipos 4:6-7 ASND

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

 
Three Cure for Anxiety:
 

A. DO NOT WORRY

Ang daling sabihin pero parang ang hirap gawin di ba? Hindi ito suggestion kundi command ito at responsilibility bilang mga anak ng Diyos. Malinaw na itinuturo ng Bibliya na hindi dapat mag-alala ang mga Kristiyano.

Sinabi sa kanyang mga Salita sa Philippians 4:6 Do not be anxious about anything. Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Maituturing na worthless at useless ang pag-aalala at hindi yan makakasolve ng problema. Bakit? Dahil kapag nagwoworry ka nagpapahiwatig ito ng kakulangan ng pagtitiwala sa karunungan, soberanya at kapangyarihan ng Diyos. Ang pag-aalala at pagkabalisa hindi naman yan makakadagdag ng oras sa buhay mo. Mismo ang ating Panginoong Hesus na ang nagsabi na walang mabuting idudulot ang sobrang pag-aalala natin.

Lucas 12:25-26 (ASND) Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit kaunti sa pamamagitan ng pag-aalala? Kaya kung hindi ninyo kayang gawin ang ganyang kaliit na bagay, bakit kayo mag-aalala tungkol sa iba pang bagay?

Tandaan natin na ang mga bagay na ikinababahala natin ay maliliit na bagay lamang kumpara sa isang napakalaking Dios natin na makapangyarihan sa lahat na makagagawa ng mga imposibleng bagay. God is so much bigger than our problems. Napakahalaga na sa oras ng anxiety na to keep your eyes fixed on God, hind sa sitwasyon mo. Yung worry magdudulot lang yan ng fear saýo, aalisin nya yung joy mo at ididrain lang nya yung energy mo… so, stop worrying.

 

B. PRAY

How much time and energy do you spend on worrying? Imbes na ubusin mo yung lakas at oras mo sa pag-aalala bakit hindi mo na lang gamitin ito sa pagdarasal… at ito yung second cure for anxiety: Pray. Dapat marealize mo na may Diyos na makapangyarihan sa lahat. At dahil may Diyos na makapangyarihan ang kailangan mo lang gawin is magdasal. Sabi sa Filipos 4:6 Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.

Sa kasulatan, natutunan natin na dapat nating dalhin ang lahat ng ating mga pangangailangan at pagkabahala sa ating mga panalangin sa halip na mag-alala para sa mga iyon. Hindi makakatulong yung pag-aalala, pagkabalisa, pagmuni-muni o pagrereklamo. Magdudulot lamang ito ng mas maraming stress or negativity. Instead, talk to God about sa pinagdadaanan mo.

Stressed out, pray. Worried, pray. Anxious, pray.

Kapag may mga suliranin or alalahanin ka sa buhay, may mga pagkakataon na nakakalimutan natin ipagdasal ang tungkol dun. Ano yung kailangan nating ipagdasal? Everything. Walang anuman ang hindi natin pwedeng idulog sa panalangin. Everything is the reason to pray. I-present mo lahat kay Lord yung mga request mo, malaya kang humiling sa Kanya para sa mga wants and needs mo, pwede mo din banggitin yung gusto mong mangyari sa sitwasyon mo. Nakikinig Siya.

Pero tandaan mo ang prayer hindi yan one-way conversation na kung saan binabanggit lang natin yung mga wish list natin at idedemand natin si Lord na tuparin Niya ang mga ito. Kailangan two-way conversation yan. Kapag inilapit mo na sa Panginoon yung mga concerns mo, i-allow mo naman na mangusap si Lord tungkol sa sitwasyon mo. Hintayin mo na magsalita muna si Lord, pakinggan mo yung encouragement or yung direction na ibibigay niya kung paano ang gagawin sa sitwasyon mo. God cares about your situation and what you want out of a situation. He cares about your heart. Pero yung will ni Lord minsan iba sa gusto mo. Kapag nagpray sa Kanya ng may pasasalamat at hinayaan mo muna na mangusap si Lord, malalaman mo yung will Niya saýo. And His will can become your will.

Naririnig ng Panginoon ang mga panalangin mo pero may pamamaraan ang Panginoon sa pagsagot sa mga ito based sa divine wisdom at kabutihan Niya at sasagutin ng Panginoon ang mga panalangin mo base sa kung ano ang makakabuti sa’yo.

 

C. LET GO AND LET GOD

Ginawa mo na ang lahat ng iyong makakaya pero may mga bagay na hindi na natin control kaya ibigay mo na lahat kay Lord ang iyong mga alalahanin. Nagdasal ka na at humingi na ng tulong kay Lord, ang dapat mong gawin ngayon ay Let go and let God which is the third cure for anxiety.

When we let go and Let God ibig sabihin nun we are submitting fully to Him, and we are letting go yung anumang bagay na sinusubukan natin gawin on our own para hayaan na si Lord na gumawa ng mga bagay na Siya lang ang makakagawa.

Surrendering to God is literally giving up. Masasabi mong “Lord hindi na sapat yung kakayahan ko para harapin pa itong mga worries ko, please take over.” We are limited and finite human being at wala tayong kakayahan na makontrol ang lahat ng bagay pero si God… He is in control in every situation and has the power over all creation. The more we recognize God’s sovereign hand sa mga araw araw na problema at mga suliranin natin sa buhay, mas unti unting mawawala yung mga alalahanin natin. Bilang isang Kristiyano ang pagaalala ay hindi na dapat maging bahagi ng buhay natin.

1 Pedro 5:7 ASND: Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Sa verse na ito, sinasabi ni Lord na ibigay mo lahat sa Kanya yung mga worries and concerns mo. Hindi nais ng Diyos na pasanin natin ang bigat ng ating mga problema at mga kabalisahan. Bakit ayaw ng Diyos na dalhin natin ang ating mga suliranin? Dahil mahal Niya tayo at may malasakit siya sa atin. Concerned si God sa lahat ng nangyayari sa’yo at walang maliit or malaking problem ang di kayang bigyang solusyon ni Lord.

Yung hindi pag-aalala ay isa mga bagay dito sa mundo na mahirap ma-achieve 100%. Pero kapag sinusubukan natin na wag mag-alala, nananatili yung focus natin kay Lord, nag-spend ka ng oras sa pagpray at pinapasalamatan mo si Lord sa lahat ng mga ginawa Niya, at isusuko mo ang lahat sa Kanya, we are promised God’s peace.

Sabi sa Filipos 4:7 Kapag ginawa nʼyo ito, bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Cristo Jesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.

May power si Lord na baguhin ang anumang sitwasyon na pinagdaraanan mo, pero hindi lang limitado dun ang kaya Niyang gawin. God does not promise to change every situation to our liking. Ang ipinangako Niya ay bibigyan Niya tayo ng kapayapaan sa bawat sitwasyon. Ibig sabihin na maaari or maaring hindi nya baguhin yung mga pangyayari, pero babaguhin Niya yung disposisyon mo sa pagharap sa problema para mawala na yung pag-aalala at yung anxiety na nararamdaman mo.

 

Ano yung mga anxious thoughts na pumipigil saýo upang maranasan mo yung kapayapaan na nagmumula sa Panginoon? Think of what is making you anxious and decide right now to stop and pray, casting that anxiety to the Lord.

 

You Might Also Want to Read: Devotionals: Deuteronomy 6:5

 

Let’s connect!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *